Nadi-distract ako

Breathe in, breathe out. Nauurat ako. Nawawala ako sa focus sa pag-aaral tuwing naiisip ko yung upcoming Christmas parties namin sa office, wala namang pake sakin yung mga tao. I don’t really get why gusto kong maging perfekt at falavarn sa mga araw na yun. Pati yung mga ipo-post ko sa Instagram including captions, gumugulo pa sa isip ko. Jusko. Ilang linggo na lang exam ko na. Naiintindihan mo ba yun Felbert? Walang pake sayo yung mga tao kung anung suotin mo dun! Or maybe yes? But you shouldn’t be prioritizing that. Jusko naman!

Nung isang araw lang, I’m planning of writing my heart out regarding the fire that still burns in me. Na gusto ko pa ding makapasok sa top. I know I’m shooting for the stars at maaaring niloloko ko lang ang sarili ko. Pero kelangan kong lokohin ang sarili ko if I have to. Kelangan kong maniwala na kaya ko, na di imposible. Na kahit lamang na yung iba in different aspects, who knows? Ayoko lang rin mag-set ng mababang goal, mas ok na yung best goal para kapag di ko nakuha, di nakakatakot yung babagsakan, ok pa din kumbaga.

Tapos ngayon na-distract na naman ako dahil sa shorts na nakita ko sa ukay2x. Sayang ang oras, sayang ang effort, sayang ang pera. Malaki-laking halaga na din ang nagagastos ko para sa themed parties na yan. Samantalang yung iba kong kasabay na magte-take ng exam di nga pupunta.

Well, okay. Di naman sya ganun kasama pero kelangan ko lang ayusin ang takbo ng isip ko. May complete outfit na ako in mind, so I have to fucking stick to that na. May mga kulang na lang akong bibilin/gagawin. Tapos ayun na yun. Tama na. Tigilan na.

a. black coat
b. shiny black leather shoes
c. logo ng “the incredibles”
d. black eye mask

So ito yung mga hinayupak kong nabili, na di ko naman gagamitin yung iba, options lang. May pag-options pa ang hayup e nuh? Bale 2 Christmas parties yun, una department (superheroes), pangalawa corporate (nautical).

Ok na ako. Bye.

Advertisements
Posted in Architecture, Journal | Tagged , , , , , , | 2 Comments

Protected: The Night Faye Told Me

This content is password protected. To view it please enter your password below:

Posted in Journal | Tagged , , , , ,

Protected: Sabadubadoo

This content is password protected. To view it please enter your password below:

Posted in Journal | Tagged , , ,

Go P-A-U-L-O!

Random thoughts sa utak ko ngayon:

1. Sabi ko sa kanya “Kahit lagi mong sinasabi sakin na ako naman lagi yung tama, papatunayan ko sayo na ako pa din yung laging unang lumalapit at nagso-sorry sayo.” and I think I made a very good statement na totoo at mahirap i-contest.

2. Ang sarap ng nation-wide strike, at least for me, kasi maaga kami pinapauwi at thankfully, di naman ako nahihirapan makasakay. Sana ganito na lang lagi mga kalsada sa Pilipinas. Walang hassle!

3. Naiwan ko palabok ko sa mobile cabinet ko, sana ok pa sya bukas nang umaga.

4. Kasabay namin umuwi si Kevin for the first time. Tinanong namin kung anong klase ng food ang gusto nya, like asian, american, italian, mexican? Sabi nya basta may rice. 😂

5. Naiinis ako sa bahay kapag umuuwi ako nang nakakadena yung gate tapos gising pa naman sila. Tinatamad lang sila tumayo at magbukas, e ang hassle ng mga dala ko tapos hahanapin ko pa yung susi. 😤

6. Though maaga kami pinauwi today and chance for me to review, nagpa-audition naman sa office ng performers para sa Christmas party sa Dec. May mga kaibigan kami na kasama dun, so ang hirap palagpasin. Definitely, isa tong form ng distraction, pero hayaan mo na, bawi na lang ako sa pagre-review. Kelangan ko magbayad ng paghihirap for this.

Kaso aside from the fact na it was a form of distraction, may konting aberya pa. Napikon si Gene sakin. Ang bummer ko daw, kasi di ako nakipag-cooperate sa pa-banner nya para kay Paulo, to the point na naka-impluwensya daw ako sa mga kasama namin na baka flop yung idea. So many stories behind this, pero wag na nating i-tackle kasi we’ve already settled this. Ok na kami. Ang point ko lang, may karapatan akong humindi dahil di ko gusto or di ko feel yung idea – which in context, ang kj ko nga. Agree naman ako sa part na yun. Though ang hassle lang, ok na sana kung wala nang ganun.

Si Karl na nagpe-perform ng kanyang rendition of ‘Faithfully’ popularized by Journey. Sabi nya di daw maganda pakiramdam nya ngayon (kaya not his best performance) – parang di naman ako masyado naniniwala.

7. Inaantok na ako, di na ata ako makakapag-review. Kahit 5 pages lang plsss! Mag-aral ka na, hayup ka.

Posted in Journal | Tagged , , , | 2 Comments

Bagyong Odette Rants

Wala tong kinalaman sa bagyong Odette o sa officemate kong si Odet. Feeling ko lang that’s the title kasi nandyan yung bagyo ngayon, at isa sa dahilan ng pagka-hassle ng buhay ko simula kahapon. Nagugutom na ako. Nag-brunch lang ako sa office ng longganisa at fried rice na P12.00. Akala ko sapat na yung dalawang puto na kinain ko bago sumakay ng jeep. Ayoko na sanang gumastos, nagtitipid kasi ako. Nagtitipid kami ni Gene (kahit payday lang kahapon).

Tulad ng dating gawi, pour down lang ng thoughts para kumalma utak. Dito na lang ako magsusulat sa blog ko, kesa sa journal ko. Nakakatakot kasi na baka may magbasa, kung anu-ano  pa naman pinagsasasabi ko. Na-binggo na ako dati nila mama sa ganito, kahit alam ko naman na it’s my right. Pero balak kong i-publish yung mga ganito ko, as long as di naman kelangan ng censorship.

Things in my mind (that I have to get over):

1. Yung tingin ni sir Raffy sakin kapag nagpapaalam ako na aalis na kami for review. I don’t know if he’s trying to impose something, or ganun lang talaga sya tumingin and it’s just me. Parang “Alis ka na naman, wala ka namang natatapos.” Parang gusto kong sagutin ng, “Sorry na sir! Kelangan ko na umalis e, anong magagawa ko.”

2. Nagugutom na talaga ako right at this moment. Feeling ko kung anu-ano masasabi ko.

3. May pagka-perfectionist ako kaya kahit maliliit na bigay di ko basta mapalagpas. Like yung maiinis ako kapag wala akong barya. Nung Thursday, kinailangan ko pa bumili sa 7Eleven ng almusal para lang mabaryahan yung pera ko, e nagtitipid nga ako. San ba ako pwede magpapalit lagi? Every withdraw ko ba sa atm kakailanganin ko mag-7Eleven o bumili ng items na di ko naman kailangan? Isip ako ng siste.

4. Ang malas ko kahapon, Friday the 13th. Ang mahal ng nabili kong breakfast, P60. Samantalang nabubusog naman na ako sa P35 (Oa ko noh?) Di kasi muna ako nagtanong. P15 na fried rice, ang konti-konti! Ano bang hinahalo nyo dun, tira-tira na nga lang yun e. Tapos P45 na giniling (ang mahal naman, pwede bang P40 na lang?)

Yung pamasahe ko sa ordinary bus pa-JPT, P10 lang naging P20 kasi wala pa daw barya si kuya. Hanggang sa nakababa na ako, nawala na sa isip ko. Sana pinang-taxi ko na lang yun (wow).

Yung sinakyan kong fx pauwi, hanggang Merville lang pala. Akala ko hanggang Bicutan (sinong tanga?), P50 din yun. Nag-fx ako kasi alam kong pahirapan na naman sumakay sa Pasay. Umuulan, payday, Friday. Jusko, aabutin ako ng alas dose dun. Pero ayun nga, mali yung sinakyan ko. Na-stuck pa tuloy ako sa delubyong traffic sa Kanan. Antok na antok at gutom na gutom na ako sa oras na yun, kaya nilakad ko na lang. Carry lang naman.

5. Yung increase ko hr, nasan na. Anong petsa na. Siguraduhin nyong mere-retro yun, kung di…iiyak ako. Char. May mga napansin rin ako kanina sa dtr na mga araw na parang di bayad. Tagal-tagal ko na sa kumpanya, di ko pa din fully gets siste ng dtr. Tho ine-explain naman nila kapag nagtatanong ako, hindi pa din e. May mga di tumutugma sa sinasabi bila. Anyways, pag-aralan ko na lang ulit.

At ayan, nagluto si mama ng spaghetti just now! Kainan naaa!

Felbs

Posted in Journal | Tagged , , , ,

Open Letter

Dear Someone,

Hello. 😄 I think I have to reply…or at least react to that letter, don’t I? If I was the one who wrote and gave that, I probably wouldn’t want it to hang in dead air. First of all, I want you to know that I’m chill about it and I won’t runaway. 😄 You don’t have to feel worried, feel embarrassed or anything. Second, I admire the damn courage, although it was really impulsive. Or maybe not, maybe you’re already aware and prepared the idea that things might get a little uncomfortable? You mentioned that if you could actually give it to me tomorrow, you’ll be amazed to yourself, so congrats! 😂✌️ The feeling you have is probably bothering you that’s why you did that and I just hope you get the relief out of it.

“Alam ko naman na kung ano yung sayo, yun talaga yung sasabihin mo without thinking of the other person.”

Uy, di naman sa ganun. I would consider the person but not to the point of giving false hopes or lying to myself. Ang importante yung totoo. Dati may nagsabi sakin na paasa daw ako, pero di ko alam yun. Kapag may gusto ako, I give my all for it, and I’m talking about anything in general. Di ako nag-aalinlangan, di ako natotorpe. Kapag tingin nila nasa grey area ako, sila lang nag-iisip nun. It’s just that wala akong interes dun.

Also, di ako yung tipo na nagko-compress ng thoughts/feelings. Kapag di ako nagsasalita, ayoko lang talaga. Dahil siguro nakakatamad, may iniisip akong ibang bagay or I think it’s not the way I want to say/express it. Kapag may ganun akong thoughts/feelings, nilalabas ko lang through art, nagsusulat ako or nagpo-post sa social media. Wala akong Hard Feelings tulad ng sinasabi ni Lorde. 😂 I like that you can’t read my mind. I like that you’re intrigued by me. I never wanted to be predictable.

Btw, naka-public talaga lahat ng posts ko dito. Gusto ko talaga na binabasa ng mga tao tong blog ko although I cringe kapag nababasa ko sila ulit especially the old ones. Sorry that I had to write here. Papansin ako, I like publicity yet I pose secrets, I’m driven by the tension between the desire to communicate and the desire to hide. I think nakuha ko to kung pano ako pinalaki. Like art, enigmatic lang siguro ako para sayo.

Antok na me.

Felbert

 

Posted in Journal | Tagged , , , | 1 Comment

Bukol Removal

Spoiler alert, walang video na pwede nating mapanuod while eating lunch. 😢😂 So kanina I’m about to tell the story of my bukol removal to my friends on messenger, pero naisip kong ilagay na lang dito para full experience and for everyone to know (wow). 😂 Also para kapag may nagtanong in the future how was it or bakit ako nag-leave sa office, I’ll be like, “I’ll just tag you the link of my full story” or “link on my bio.” Ganon. 😂

Antok na antok ako pag-uwi at kagigising ko lang from a really deep 2-hr sleep. My mind feels so alive right now, di ko alam if it’s because of the drugs I took a while ago. Anyway, I’m going to show a pic of that nasty shit I had for 9 years. And yes, if ngayon mo lang nalaman, di kita tunay na friend. ✌️😁

P_20170812_112611[1]

Sayin’ good bye to this freak of nature.

I took that pic just before we went to the hospital today.

Tuwing may nagtatanong kung ano yan, sinasabi ko sebacious cyst pero I think lipoma is the more proper term for it. Pero di naman nila naiintindihan, so okay lang. 😂 Then I’ll move it around as if it’s a magic trick, and they’ll give me a grossed out look. Di kasi sya nakadikit sa laman, para syang nasa pagitan ng laman at skin kaya movable. Then I would say, “I could actually move this up to my neck.” 😂

Image result for lipoma

I had it removed at Unihealth-Parañaque Hospital and Medical Center. I never had a surgical operation before so I was a bit anxious. I was under Dr. Michael S. Pescante, and besh, ang tagal nya dumating, 1 hour and 15 minutes na ako nakahiga’t nakatulala sa surgical lights, no joke. Na-reminisce ko na buong childhood ko.

Pero mabilis lang yung operation nya sakin and I like that he’s very chill. So masakit ba? Part of it, yea. I felt different levels of pain. Di ko lang alam if I was really supposed to feel that despite the local anesthesia. Merong parang pitik lang ng crush mo nung grade 1, merong parang kagat ng antik, merong parang nung bumagsak ka sa isang subject nung college. Mga ganon. 😂 Yung cautery yung masakit, and I just learned about it. The pain was short but sharp. May isang pitik na parang gumapang sa buong sistema ko yung sakit. Like fuq that could kill me. Pero after nun, easy na lahat.

Pinakita sakin yung actual lipoma, it’s literally a piece of me, like a new-born kid. It feels weird to see it right in front of me. It’s so gross I love it! 😂 I wanted to take a pic just to gross out my friends but I wasn’t able to. I browse the net instead and found many that kinda looks the same.

P_20170812_153930[1]Image result for lipoma
Image result for arm schwannoma

You’re welcome. 😂

Posted in Journal | Tagged , , , , | 4 Comments