Sa Ginatan, Walang Puso Ang Saging

Monday ngayon at exactly 5:56 pm. Dawn in Manila, heavy air and the gray sky low. Hehe. Nasa may kusina ako kanina pero ang ingay ng tv kaya umakyat ako sa kwarto ko. Na-miss ko ang amoy ng tinta ng ball pen kaso ang hirap mag-isip ng isusulat, lalo na kung may ‘sense.’ Eh ayoko ng nahihirapan, kaya alam mo na ang ibig kong sabihin. Malapit na namang matapos ang October. Nagmamadali ang panahon. Di ko na matandaan, pero bata pa ako nung huli akong nag-reklamong “Ang bagal naman ng panahon.”

Minulat ako ng cell phone ko ng 5:00 am kanina, at katulad ng kadalasan, din na naman ako makapaniwala na tapos na kaagad ang oras ng pagtulog. Inaantok pa ako ng buong puso, pero bumangon na ako para maunahan ko ang morning rush. Kelangan kong makaalis ng 6:00 am para isang oras lang ang byahe. Kung aalis kasi ako ng 6:30 am, nagiging dalawang oras at kalahati ang byahe dahil sa sobrang traffic sa SLEX. May asawa’t anak ka na pagdating mo sa pupuntahan mo.

Natutulala pa akong habang kumakain mag-isa ng malamig na ginatan galing sa ref… Yummy.

Nag-toothbrush. Tumae. Naligo. Nagbihis. Lumipad.

Di ako sanay mag-english sa publiko pero gusto kong masanay, alam kong para to sa kinabukasan ko. Kaya nung magbabayad na ako sa MRT, inipon ko ang lahat ng tiwala ko sa saril para sabihin ang:

“Cubao, sir.”

Nilagay ko lahat sa mp4 ko yung mga kantang suggestion ni Maling for rainy days. Sabi ko pa nga, “Sobrang emo naman neto.” Pero nagising nalang ako isang araw na alipin na ng mga kantang to. Feel na feel ko ang pagka-heartbroken ng kumakanta, pati nung nag-suggest.

Feeling ko naman music video ko. Malamig sa train. Nakikita ko yung reflection ko sa bintana. Nakatayo mag-isa habang nagkakagulo ang mga tao sa likod.

“There’s still a little bit of your taste in my mouth… There’s still a little bit of you laced with my doubt…”

Nakaupo na ako. Nasisinagan ng araw na parang mga orange flashes ng camera dahil sa mga building na humaharang habang dumadaan ang train.

“It’s not hard to fall, when you float like a cannon ball…”

Na-out balance si ate sa harapan ko.

Nakarating ako ng 7:00 am, walang traffic pero may downside to kasi 8:00 am pa nagbubukas yung building namin. So as usual, nakiupo na naman ako sa mga hagdanan ng malls, kasama yung ibang mga mama na nakatambay rin dun.

Di naging masyadong matagal ang 1 hour dahil nagbabasa ako ng libro. ‘Red Dragon’ by Thomas Harris. Malapit-lapit ko nang matapos to. Kasama sa goals ko this October ang matapos to.

Goals for the month of October:

( ) Makabisado yung kantang ‘Look At Me Now.’ May bayad kung gusto mong marinig, mahal.

( ) Matapos yung buong design ng bahay namin. Floor plans, elevations, sections at perspectives.

( ) Ma-drawing si Maling. Actually, 3D-face na nga ang gusto nya ngayon. Pepektusan ko na yun eh.

( ) Ma-drawing si Mhai.

(/) Maka-enroll sa AutoCAD.

( ) Matapos ang mga librong ‘Red Dragon’ at ‘Fire Bird.’

( ) Makakuha ng score sa midterm sa Psychology na di bababa sa limang mali. Di naman binalik yung papers. Pero 1.50 ako. ‘Keps’ na yun.

( ) Ma-refresh lahat ng pinag-aralan since 1st year. Asa.

( ) Maka-ipon at least P1000. Asa.

(/) Good report in Psychology. So-so.

( ) Pass the departmental exam in SOM. :’(((

( ) Girlfriend. Asa.

8:00 am na. Pumasok na ako sa building namin. Hawak-hawak ko pa yung librong binabasa ko. Dalawa na yung tao sa room. 9 lang kaming magkaka-klase. Binuksan ko na yung computer ko. Habang nag-iintay, pumasok si Maya:

“Uuuy… Anong nangyari sayo?”

Katulad kung paano ka mangangamusta sa kaibigan mong nasa ospital dahil na-aksidente. Sinabi ko kasi sa kanya nung isang araw na 4.00 lang ang nakuha ko sa departmental exam. Bagsak.

Bumabagabag pa rin sakin yan hanggang ngayon. Sana pasado pa rin ako sa final grade. Di ko na muna sinabi kanila mama at papa (maliban nalang kung mababasa nyo po to.). I swear, na-sermunan ko na ang sarili ko. Lulubog nalang ako sa lupa sa sobrang down kung ma-dodoble pa. Ayokong mag-kwento ng marami tungkol dito kasi ‘boring’ pero sobrang mahalaga sakin yung exam na yun. Tatlo na nga lang ang subjects ko, di ko pa na-nail. Nag-review naman ako ahead of time. Nag-pray. Umasa. Pero ayun, wala akong naisagot. Naaalala ko pang kinakausap ko yung test paper sa isip.

“Okay, here we go. Number one… Hmmmmm… Ano nga ba yung formula? Syit, nakalimutan ko. Next.”

“Number two… Hmmmmm… Pass!”

“Kasama ba to??? Ang daya naman.”

“Huhu! Number 15 na. Kahit sa ‘bagsak’ di pa ako aabot. Relax!”

“Ano ba to, badtrip.”

“Limang A, anim na B… Hmmmmm… Ay, hindi. C nalang to para pantay.”

Nag-tampo pa ako kay Lord. Haha. Pero after ng ilang pagsamba at konting muni-muni, ok na ako ulit. Nag-pray nalang akong makapasa sa mga hula ko. Yung himala ba? Pero eto, bagsak nga. Nakakatampo ulit. Mangiyak-ngiyak ako.

So ngayon, binabasa ko tong ‘Ang Paboritong Libro Ni Hudas’ by Bob Ong. Pinahiram ako ni Rax kanina lang. Eto mismo ang mga nakasulat:

<.–.> Wala nga. Kaya ako natatawa kasi hindi na s’ya nakakatawa.

<.–.> Hindi naman s’ya nagdarasal e. Para lang s’yang umoorder sa waiter sa restaurant.

<.–.> Minsan nga gusto kong humingi ng tip e!

<`> HAHAHAHAHA!!!

<.–.> Kahapon meron ding nagdasal, umiiyak pa, sana raw pumasa s’ya sa exam.

<.–.> Paano ko naman ipapasa, e wala naman s’yang isinagot sa mga test papers n’ya!

<`> Hahahahaha!!!

<.–.> Paano ko s’ya matutulungan sa lagay na ‘yon? Buti kung humiling s’ya ng matibay na resistensya habang naglalamay sa kaka-review. O kaya e ng konting talino para mas maintindihan n’ya ang mga pinag-aaralan nila. O kaya e ng tiyaga, tibay ng loob, pasensya o sipag…pwede ‘yun, pero yung magsa-submit s’ya ng blankong test paper tapos kailangan ipasa ko sya, para na rin s’yang humiling na manalo sa lotto kahit na hindi s’ya bumibili ng ticket!

<`> HAHAHAHAHA!!

Feeling ko sinabuyan ako ng Coke Float sa gitna ng mall. Di lang basta malamig para matauhan, medyo mapapahiya ka rin. Na-realize ko ang mga bagay-bagay. Pero di ko tinanggap yung buong idea, maniwala ka dyan kay Bob Ong. Kaso yung idea talaga na babagsak ako sa ‘Engineering Mechanics Of Deforming Bodies,’ nahuhulog talaga ang puso ko na parang gugulong palabas ng pwet.

Mahaba-haba na to. Pagod na ako mag-sulat. Hehe. 7:46 pm na pala.

Pag-uwi ko sa bahay, mga 1 am, wala namang masyadong kakaiba. Nanuod kami ng ‘Juan For All, All For Juan’ ni Lia habang kumakain ng tirang malamig na ginatan galing sa ref… Yummy.

Choosy dahil yummy,

Felbert

Advertisements
This entry was posted in Journal and tagged , , , , , . Bookmark the permalink.

2 Responses to Sa Ginatan, Walang Puso Ang Saging

  1. hahaha blogger ka na. ( ̄^ ̄)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s