Sa Ilalim Ng Buwan

Bida ang kalansing ng kutsara ko sa buong bahay habang hinahalo ang isang tasang kape.

Kauuwi lang namin galing sa SM Bicutan, ang hirap sumakay. Medyo inaantok na ako. Oras sa cell phone – 11:21 pm. Nagsusulat ako ngayon sa drafting table ko nang nakaharap sa bintana. Naka-dark green sando at blue shorts. Patay na ang lahat ng ilaw sa buong bahay, itong table lamp ko na lang ang bukas. Kung makikita mo ang bintana ko sa labas, pwede kang ma-curious sa kakaibang lighting effect nito at sa dambuhalang anino ko sa dingding. Lalo pa ngayon at mas malaki ang ulo ko sa normal size dahil tinatamad pa akong magpa-gupit. Lalo pang lumaki dahil di ako nagsusuklay at mas lalo pang lumaki dahil sa mga papuri nila Elj at Justine.

Ang ganda ng buwan. Romantic. Mysterious. Nakakabaliw.

“Katakatakang mahibang ang katulad ko sa iyo

Biru-biro ang simula ang wakas pala ay ano?

Aayaw-ayaw nga ako ngunit ‘yan ay di totoo

Dahil sa iyo puso kong ito’y binihag mo.” -Mabuhay Singers

Kung magiging isang magandang binibini ang buwan at bababa dito sa bakuran namin ngayon, di na ako magda-dalawang isip pa. Bubuksan ko kaagad ang pinto namin para tumakbo at humingi ng saklolo sa barangay outpost dyan sa kanto.

Inaantok na talaga ako.

October 30, 2011

Monday na. Nakatulog ako habang nag-iisip nung isang gabi. Di ko na rin naituloy kahapon dahil wala na akong maisip at tinamad na rin.  Saka inatasan akong mag-tabas ng halaman, ang titinik at ang lalago na. Ang dami ko tuloy sugat. Pero ok lang, sanay na rin.

Wala nang tinta tong ball pen ko. Wait, manghihiram muna ako kay Faye…

Okay.

Magkwe-kwento na lang ako. Sa probinsya namin, meron akong kilalang bata na ‘Bu-wan’ ang palayaw. Lagi syang nababanggit ng mga kalaro ko, pero di ko pa sya nakikita. Kung bakit ‘Bu-wan’ ang pinalayaw sa kanya e di ko alam. Wala akong maisip na itsura nya kung di bumbunan na may kamay at paa. Pero baby pa ata sya nun kaya di ko nakikitang lumalabas.

Nung bata naman ako, lagi akong nasa labas. Ayaw ni lola na lagi kaming nasa loob ng bahay at maging lampa kaya okay.

Pero isang hapon, nagvo-volleyball yung mga kamag-anakan ni ‘Bu-wan’ sa harap ng bahay namin. Malakas ang tawanan nila. Kinder or prep pa lang ata ako nun, pinabili ako ng P20 na monay pang-meryenda.

Habang naglalakad ako, di sinasadya ni kuyang kalbo ng matamaan ako sa tyan. I’m sure di yun serve at di rin yun simpleng pass lang. Spike yun! Mamaw.

Di ako nakahinga. Nabitiwan ko ang bitbit kong mga monay at nagkalat sa kalye.

“Ah-ah, sorry!”

“Hala, lagot ka!” Ang sabi ni ateng fresh from pawis.

“O-o-okay… la-a-ang… po-o-o…” Ang nanghihina kong sagot habang nakahandusay sa kalye at nakakalasa ng dugo sa bibig.

Yan yung OA version.

Ang totoong version, sinabi ko lang kay kuya na “Okay lang po.” Nakalimutan ko na kung paano ko sya ginantihan.

Mas bata ako sa mga kalaro ko sa probinsya. Kung kinder ako dati, mga grade 1 pataas sila. Kaya lagi akong burot sa mga laro… Tulad ng ‘Tumbang Preso.’

“Wala! Walang ayawan to! Burot! Burot! Burot!” Ang bulalas nila.

“Ayoko na kasi!” Ang sigaw ko na parang ako lang ang nakakarinig. Manunuod pa kasi ako ng ‘Zenki.’

‘Ruthless’ na ako maglaro ng Tumbang Preso ngayon. Nakatumba na yung lata, hinahataw ko pa rin! Sinisipa, tinatapakan at tinatalunan hanggang maging cd.

“Wala! Walang ayawan to! Burot! Burot! Burot!” Ang bulalas ko makalipas ang limang taon. Nasa Maynila na kami pero di ko pa rin sila nakakalimutan.

“Experience is what you get when you don’t get what you want.” -Dan Stanford

Minsan naman, sa bahay lang talaga ako. Isa sa mga paborito kong laruan ang ‘clay.’ Ang saya kasi, pwede kang gumawa ng kahit anong bagay na maiisip mo. Walang bayad. Imagination mo lang ang limit. Madalas naming gawin ni Ron-ron yung members ng Voltes 5, tapos pinagvo-volt in namin. Kaso sobrang nagdidikit, di na namin mapaghiwa-hiwalay. Kaya sa huli, nagiging tae si V5.

Jonathan: Felbert! Gusto mo ng cup cake? Anong baon mo?

Felbert: Tae.

Nung mga bata pa kami, di ko alam kung bakit sobrang nakakatawa ang word na tae. Basta isisingit mo lang yang three-letter word na yan sa kahit anong usapan, buo na ang araw nyo. Best joke over. Mapapa-rotflbtcdicajttwadbsihpwtrhitsbkabayb talaga kayo!

(Rolling on the floor laughing biting the carpet dancing in circles and jumping through the window almost dying by smashing into HP who’s then running horrified into the street being killed accidentally by a yellow bulldozer.) -www.yahoo.com

Pero di ko alam kung bakit gusto kong mag-kwento ng tungkol sa pagkain ngayon.

Kung yun ang pinaka-nakakatawang word para sakin dati, hotdog naman ang alam kong pinaka-masarap na pagkain noon. Ayoko ng iba. Hotdog lang.

Mga pwedeng gawin bago kumain:

  • Kumuha ng tubig sa baso gamit ang kutsara, magpanggap na umiinom ng cough syrup. Maglaro muna.
  • Patakan ng malamig na tubig ang kapatid sa anit. Sabihing masarap ang feeling lalo na kapag tumutulo na ito papuntang likod.
  • Mag-usap nang may lamang tubig ang bibig. I-challenge ang sarili.
  • Suklayan ang kapatid gamit ang tinidor. Mag-kwento ng tungkol kay ‘Little Mermaid.’
  • Mag-drawing ng smiley sa plato gamit ang ketchup.
  • Kung toyo, isulat ang salitang ‘kakabakaba’ gamit ito. Itayo ang plato upang tumulo na parang dugo habang nabubura ang salitang ‘kakabakaba.’ Ang ganda ng effect, parang horror flick.
  • Mag-reklamo na ang tagal kasi ng kanin kapag pinagalitan. Pwede ring sisihin ang kapatid.
  • Itanong kung pwedeng puruhin na lang yung hotdog.

Sabi nila, sobrang daldal ko raw nung bata. Di naman ah?

November 1, 2011

Happy birthday, Lia!

Lia: Kuya, game na?

Felbert: Wait lang! Hwag kang sisilip ah. Kapag sumilip ka, ayawan na.

Lia: Oo!

Felbert: Game!

Lia: Tagu-taguan maliwanag ang buwan. Wala sa likod, wala sa harap. Pagbilang kong sampu, nakatago na kayo. Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima.

Anim.

Pito.

Walo.

Syam.

Sampu.

Nagtatago,

Fehollowblocksrt

Advertisements
This entry was posted in Journal and tagged , , , , , , . Bookmark the permalink.

6 Responses to Sa Ilalim Ng Buwan

  1. Like.. dapat nagLiterature ka nalang o Journalism!! haha..

    __ RJ Pogee

  2. Yan says:

    Hahaha. ang cute ng mga illustrations=))))))

  3. whahaahha!!non sense pero natawa ako!!!
    dapat next time 3d na yung mga graphics ahh,,wahahha
    nice one 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s