INC Rally: Media, Public Rage and What To Think About It

Disclaimer: serious matter, not for entertainment.

INC ako but I won’t be biased, because I don’t just agree all the time, I ask for clarity. Input lang sa points of perspective ng issue, mahirap basta sabihin na di nag-iisip, sarado ang isip, bulag sa katotohanan o uto-uto ang isang tao dahil sa kanyang relihiyon. Isang mababaw na pahayag, because religion is like art, it’s obscure. “One can only see what one observes, and one observes only things which are already in the mind.” –A.B.

Kung may relihiyon ka, regardless of its system, pinapaniwalaan mo ba lahat ng tungkol dito? Kung di, iba yung sayo. Di ka parte nito. So ang karamihan, sumusunod ng buong-buo. Lalo na yung mga dun na pinanganak o namatay, faith and love ang pinag-uusapan. Dun umiikot ang buhay nila. Di mo sila basta sasabihan na gamitin ang isip, because they do, at yun ang pinili nila. Also, I don’t usually see “faith” and “mind” support each other. It’s always by “heart.” Gamitin raw ang isip, mind over heart raw. Easy to say, isn’t it? Easy to say.

Kung wala ka namang relihiyon at parte ka ng modern mindset, wag kang umasta na ikaw ang tama at di mo maintindihan kung bakit sila ganito. Dahil di ka din nila maiintindihan kung bakit ka ganyan. Respeto lang.

Ang point ko lang, don’t be hard on these people. Di sila masamang tao at di sila naghahangad na makasakit o makaperwisyo ng iba. These are people who also want peace and truth. Some are also tired, hurt and confused kahit di nila aminin.

Justice, we all want it. Sana alam lahat ng nagsasalita ang sinasabi at pinapanigan nila. Human rights raw ang issue dito, di religion. E kaninong human rights? Ano bang nangyari? Bakit nangyari yun? Pano nangyari yun? Sino pang mga involved dito? Sana alam mo, kasi kung di tapos ang dami mong sinasabi, nakakadagdag ka lang ng stress at turmoil.

Yung iba di daw religion ang pinupunto. Yung traffic at perwisyo daw. Kung ako naman, mabubwiset rin ako for sure! Kaya sincerely, humihingi po kami ng pasensya sa inyo. Di kasi talaga maiiwasan na may maabala sa ganitong klase ng aktibidad at kadalasan, di talaga to pumapabor sa masa.

Pero ngayon mas malinaw na sakin yung conflict. Technical. May naghahanap lang ng issue at may namamantala. May the truth, and nothing but the truth prevail.

————————————————–

Karen Talaban’s Facebook Status:

“Maglalahad na ako ng aking saloobin. Sa mga nakakakilala sa akin, alam nila na hindi ako palasalita. Alam nila na lagi lang akong kalma dahil hanggat kaya kong pagbigyan ay pagbibigyan ko. Alam din nila na hindi ako magsasalita kung wala akong sapat na kaalaman sa isang usapin.

Ako ay nagtapos sa isang Katolikong paaralan. Mahigit kumulang na 90% ng kaibigan ko ay non-INC. Kahit kailan ay wala silang narinig sa akin kung bakit ganoon ang pamamalakad ng kanilang relihiyon dahil nauunawaan at nirerespeto ko na ito ang patakaran nila at ito ang sinasampalatayanan nila.

Pero bakit kapag usapan tungkol sa Iglesia Ni Cristo lahat ay nakikisawsaw?

Para po sa mga tao na may masasakit at negatibong opinion tungkol sa Iglesia pakisagot laman po ang aking mga tanong:

Una, may alam po ba kayo kung paano pinamamahalaan at dinidisiplina ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo?

Pangalawa, alam niyo po ba ang ugat ng isyu na ito o bumabase lamang kayong sa inyong mga nakikita at naririnig sa media?

Kung isa man sa mga tanong na iyon ay hindi ang iyong sagot, pakitikom lamang po ang bibig, umupo at basahin ang aking ilalathala.

Kwento nga ng Ka Arnel Tumanan, may isang Ama na dinidisiplina ang kaniyang anak para hindi ito malihis o mapahamak. Sinabi niya sa kaniyang anak na sa tamang oras ito umuwi ng bahay. Ngunit ang anak na ito ay nagpasaway at sumama sa mga masasamang tao. Ang sabi nang ama, “anak hindi mo ako sinunod kaya ikaw ay grounded”. Imbis na manahimik sa kaniyang kwarto at isipin ang kaniyang maling nagawa, tumakas at nagsumbong sa pulis itong anak. Hinuli ng pulis ang ama na walang ibang ebidensiya kundi ang mga kasinunggalingan na sinabi lang ng anak.

Ganito po ang nangyari sa Iglesia. Bago pa po lumabas sa media ang mga isyu meron pong iniimbestigahan ang pamamahala ng Iglesia kung sino ang tao na nasa likod ng pangalan na Antonio Ebanghelista. Si AE ay nagsimula ng pagkakalito at pagkakabaha-bahagi sa loob ng Iglesia. Ang mga hinihinalaang mga ministro sa likod nito ay pinayuhan na manatili sila sa kanilang bahay, dahil ganito po ang proseso ng pagiimbistega ng Iglesia ni Cristo. Hindi po ibig sabihin nito ay totally na silang hindi makakalabas at di na sila makakapunta sa Jollibee. Ngunit ang ginawa nitong si G. Samson ay nagpaalam na siya daw ay sasamba ngunit ang ginawa niya ay nagpatawag ng presscon at sinabi niya dito ay siya ay hinostage at siya lamang po ay nakatakas. Pagkatapos ng ginawa niyang ito ay pinagpasiyahan siya na itiwalag sa Iglesia. Ang ginawa ni G. Samson ay gumawa na naman ng isyu na sinasabing may 10 daw na mga ministro ang pinadukot. 4 lang sa 10 na sinasabi nila ang may pangalan.

Ito po ang aking mga tanong, common sense po ninyo ang gamitin ninyo. Kung wala po kayo nun eh magkakaproblema talaga kayo sa pag-intindi.

1. Kung talagang may illegal detention na nangyari, bakit nung sinabi ni G. Samson na sasamba siya ay hinayaan lang siya? Di ba ang mga hostage kahit nga pag-ihi may bantay? Eh pano nakalabas si G. Samson sa compund ng walang bantay kung talaga siya ay naka-detain. Para po sa dagdag ninyong kaalaman wala po sa compund ng Templo Central ang tinutuluyan noon ni G. Samson.

2. Noong nagkakagulo po sa compound, hinayaan po ng Iglesia na gawin ng mga pulis ang kanilang tungkulin para tignan kung totoong may hostage taking. Ang mga nakatira po sa compound ang hindi nagpapasok sa mga pulis at kalaunan din ay sinabi nila na walang hostage taking at biro lamang daw ng isang bata ang sulat na nakalagay sa bintana.

Sa dalawa pa lang na ito ay makikita niyo na puro kasinunggalingan at paninira lang ang ibinabato sa Iglesia.

3. Sa sampu na sinabi nila na mga ministro na kinidnap, apat lang dito ang pinangalanan at ang apat na din na iyon ay sinabing hindi totoo na sila ay kinidnap. Isa na dito ang Ka Arnel Tumanan na sinabi pa nila na pinahirapan at binugbog. Sinabi na ng NBI na ito ay case closed.

Ang tanong po namin ay sa kabila ng mga paratang na napatunayan naman na pawang kasinunggalingan, bakit pilit na pinapansin ng DOJ itong si G. Samson? Ano kaya ang motibo nila? Kayo na po ang bahalang mag-isip ng sagot diyan.

Ang sabi ni De Lima ay ginagawa lang daw niya ang kaniyang trabaho. Ano po bang trabaho? Selective Justice? Kung ako man ay hindi kaanib sa Iglesia ni Cristo ay magagalit pa rin ako sa kaniya. Ano bang meron ang Iglesia at kailangan pang pagtuunan ng pansin ang isang kaso na wala namang matibay na ebidensiya? Mas importante pa ba iyan sa buhay ng SAF 44 na sinabi nilang aasikasuhin nila? Mas importante ba yan sa isyu ng PDAF na sinabi nila na may ilalabas daw silang bagong listahan ngunit hanggang ngayon ay wala naman? Mas importante pa ba yan kaysa sa nawawalang donasyon ng mga ibang bansa para sa mga nasalanta ng Yolanda?

Nga po pala, yung mga nakisali po sa ginawang Walk for Yolanda, ay may naipatayo na pong mga bahay at pangkabuhayan ang Iglesia Ni Cristo. Kahit hindi po miyembre ay tinulungan po ng Iglesia. Kung ayaw niyo po maniwala, punta po kayo ng Tacloban para makita po ninyo ang hekta-hektaryang lupa na binili para makapagsimula sila ng bagong buhay.

Sinasabi nila na may mabigat daw silang ebidensiya, asan po iyon? Nasan po ang sinasabi niyong ebidensiya?

Sinasabi ng iba na kung wala daw kasalanan ang mga ministro dapata daw ay humarap sila, kung kayo po ba ay may kapamilya na kinasuhan ng isang krimen na walang piyansa at wala ding ebidensiya, papayag po ba kayo na kunin sila ng pulis? Ganoon po ang nararamdaman naming magkakapatid sa Iglesia. Hindi lingid sa ating kaalaman na mabagal ang proseso na pagiimbestiga dito sa Pilipinas. Hindi po kami papayag na kunin ang aming mga kapatid una’t sa lahat, walang imbestigasyon na naganap. Puro paratang lang ni G. Samson ang kanilang hawak, kung meron man silang hawaak na ebidensiya, handa po ang buong Iglesia na makipag-ugnay sa batas.

Sinasabi ng iba na huwag daw nating ikumpara ang ginagawa nating rally sa People Power. May punto naman sila, dahil una sa lahat wala namang nangyaring pagbabago sa Pilipinas pagkatapos ng mga People Power na iyan. Mas corrupt lang yung mga ipinalit nila sa pwesto. Wala rin namang balak na paalisin ng Iglesia ang buong Administrasyon. Ang hinihingi lang po namin ay ang patas na hustisya.

Sinasabi pa ng iba na hipokrito daw ang mga Iglesia dahil tuwing halalan may mga pulitiko daw tayong dinadala pero kapag di sumang-ayon sa gusto natin ay nilalabanan daw natin sila. Alam po ninyo na mayroong bloc voting sa loob ng Iglesia. Nasa doktrina po ng Iglesia ang pagkakaisa kasama na rin po rito ang pagpili ng iboboto sa halalan. Hindi 100% ng mga kapatid ang sumusunod dito, ulitin ko po ha HINDI PO 100% ANG SUMUSUNOD DITO. Ang mga pulitiko po ang lumalapit sa Iglesia, at hindi po ang kabaliktaran. Kung gusto po ninyong malaman, subukan po ninyo na tumakbo sa nalalapit na halalan at huwag humingi ng tulong sa Iglesia, makikita po ninyo ang pagkakaiba sa bilang ng boto at baka magsisi pa kayo na hindi kayo humingi ng tulong. May proseso rin po ang Iglesia kung sino ang pipiliin sa halalaan. Kung di niyo po alam kung ano iyon ay manahimik na lang po kayo.

Sa mga nagtatanong na bakit daw kami nagrarally kung bawal sa amin iyon, kaya po bawal sa amin iyon dahil kadalasan ng mga rally ay may nasasaktan. Iyon po ang iniiwasan ng pamamahala, ang may masaktan na kapatid. Pero kung kami na ang ginigipit, hindi pa po ba kami magpprotesta? Kung ang Bayan nga ng Israel nagawang i-boycott ang buong Ehipto, kami pa po ba kaya?
Huwag na rin po kayong mainis kung yung ginagawa naming rally ay may kantahan, ganun po talaga kami kapag nagsama-sama, kahit may pag-uusig ay nagagawa pa rin naming ngumiti.

Sa bias reporting ng abs cbn na iniwan daw ng Iglesia ang kalat nila. Bakit di po ninyo kinuhanan ng video nung nagwawalis ang mga kapatid? Saan ka naman po kasi nakakita ng naglilinis tapos ang dami pa ring tao, siyempre hinintay na makaalis ang karamihan para makapaglinis yung mga kapatid na inatasan at nag-volunteer. Kung ang nanay ko nga nasa isang sulok na ako eh paalisin pa rin ako dahil wawalisin daw niya yung ilalim ng inuupuan ko, yun pa kayang ang daming tao? Siyempre maghihintay ka na mawala bago ka magsimula maglinis.

Sa bias reporting nila na sinabing binato ng tinapay at kinuyog ang cameraman nila, nakaharang po yung cameraman ninyo. Namimigay po ng tinapay at tubig para sa kapatid noon. Yung pagkain po ang kinuyog, hindi po yung cameraman ninyo.

Kung gusto niyo pong mapanuod ang tunay na sitwasyon sa Net25 po kayo manuod. Doon po live ang broadcast, walang edit.

Pasensiya at pag-unawa lang po ang hinihingi namin. Kung natraffic man po kayo ay pagpasensiyahan na ninyo. Aminin niyo man po o hindi, kung iba yung nagrally dun at natraffic kayo ay hindi ninyo palalakihin ng ganito ang isyu. Ang iba pa ay hindi makikisawsaw. Mayroon lang po talaga kaming pagkakaisa kaya nung nanawagan sa amin ay nagsipuntahan kaagad ang mga kapatid.

Kung nakaabot ka sa puntong ito at hindi po pa rin naunawaan kung ano ang ipinaglalaban namin ay sayang naman po ang utak, idonate niyo na lang po sa mga medical school para may pakinabang. Yung iba pa naman ay may degree, nakakahinayang yung binayad para makuha yung degree, sana bumili na lang ng thermometer, double degree pa sana ang nakuha.

SA MGA MAHAL KONG KAPATID,

Itinagubilin na po sa mga pagsamba na maki-isa at magpunta tayo sa EDSA. Dun sa may-ari ng account na MAG SURI, kapatid daw siya pero pinapauwi niya ang mga kapatid at wala daw tayong mapapala. Kung talagang kapatid ka, alam mo naman siguro na ang mga tagubilin sa pagsamba lalo na’t pangkalahatan ay dumadaan sa pamamahala. Kung talaga ngang kapatid ka ay makikipagkaisa ka sa panawagan ng Ka Eduardo.

Itinagubilin din po sa atin na dahil hindi maiiwasa na may makisawsaw, kapag may sumigaw po ng BOO ay huwag tayong makisali. Kahit sino pa man po at tumayo sa stage ay wala pong sisigaw ng BOO. Huwag din po sumigaw ng patalsikin ang gobyerno dahil ito po ay isang rebellion. Yun laman po at mag-ingat po tayo mga kapatid at magsama-sama at magka-isa sa paghingi ng patas na hustisya.

May balak ata talunin ng loveteam na LASON ( LeiLA at SamSON) ang Aldub.

Mag-iingles sana ako kaso naalala ko na Agosto pa rin at Buwan pa rin ng Wika. Mas masarap kaya magkwento gamit ang sariling wika.”

————————————————–

You can also read this article for reference.

Advertisements
This entry was posted in Journal and tagged , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s