Happy 23rd Birthday, Mia!

mia abelahappy birthdaymia abela solo

Felbertois

Hi, Mia Jabelats. Tagalog na lang kasi alam kong mas prefer mo yun (lol). Maligayang ika-23 na kaarawan sayo! Ang tanda na natin, nakakatakot na. Ready ka na ba sa adult life? This is it!!! Joks. Maraming salamat sa magpipitong taon na pagkakaibigan (ikaw ang pinakamatagal kong nakasama sa kanila). Na-pressure ako kasi ang haba ng messages nila sayo, nagluluto pa ako ng adobo habang sinusulat to. Ide-describe na lang kita bilang parte ng buhay ko. ❤

Isa ka sa mga pinaka-sensible na taong nakilala ko. Dahil matagal na kitang kaibigan, alam kong di mo alam ang ibig sabihin ng sensible. Di bale, basta compliment yun! 😛

Nakakatuwa ka kasi combination ka ng bitch, bopols, kalog, nanay, girlfriend at kapatid. My college life cannot be complete without youuu. Aaawww…libre mo kami (lol).

Stay who you are and always be positive. Kayang-kaya mo naman. Nandito lang ako lagi para sayo, just like how I am for my sisters.  Wish kong maging successful ka pa sa buhay, and by successful, I mean satisfied and happy (without stopping growth). Because that’s what really matters in life. Kuya wisdom right thurrr. Wish ko din na magsama kayo ni Rov nang habambuhay at masaya. Happy birthday! We love you! Wag muna magjugs (lol).

Camsoir

Mimi!!
Well, simple lang naman ang message ko.

Simulan natin sa unang pagkakakilala ko sayo…
….noong unang panahon.. jk. Hahaha.. noong una kitang nakilala, hindi ko lang alam kung nasabi ko na pero mejo takot ako sayo.. ahaha.. kala ko kasi mataray ka eh at hindi mo masasakyan ang kakulitan at mga kaingayan. Well, ndi nagtagal tuluyan nang nawala ang impression ko sayo na tahimik ka. Ang saya mo kasama. Pagdating sa kalokohan game na game ka. At ang pambubully kay gene, priceless.
ikaw ang “madame”, “senyora”, “prinsesa” ng tropa. (Pagbibigyan ka namin, araw mo ngayon.jk.)

Thank you mia. Thank you sa pagdadala ng “estrogen” sa grupo, nakakasama din ang too much “testosterone”. Ikaw ang nagimpluwensya sakin na maging babae ulit. Thank you sa mga payo,at advice sa mga girl talks naten. Thank you sa mga tawanang hatid nyo ni gene kapag nagaasaran na kayo. Thank you sa pagsagap mo ng worry sa panahong dapat nagwoworry din kmi.
Thank you sa presensya mo at attendance mo sa grupo. ^^

Simple lang nmn ang mensahe ko ngayong araw mo..
HAPPY BIRTHDAY MIA BABEH!! wish you all the luck!! Hehe. You are one of the strongest ladies i know and i know you will excel in everything you put your heart on doing… Ayiiiieeee lady na oh.. ^^ masaya ako nakilala kita.

Ok na…sorry wala ako masabi, ndi ko alam sasabihin eh… wink emoticon libre huh! Hahahhah jk.

Jean Paulo

Hi Mia! Kung iniisip mo na pretty ka, walang pores, mukhang mabango, malinis, marikit, dalisay, mayumi, imakulada… Well, sige pag-isipan ko.

Una kitang nakilala dahil sa tatlo mong kaibigang lalaki na kay lalaki ng ano… Ng ano… Puso. At masaya ako na nakilala rin kita. Well, medyo masaya. Hindi super saya. Medyo kaunting masaya. Ganon.

Mula noon, nadagdagan ng panibagong kulay ang college life namin.

On the serious note, masaya ang pagkakaroon ng isang kaibigan na kagaya mo na medyo maginhawa ang buhay. Salamat sa pagbabahagi sa amin ng mjmunting kasiyahan kagaya ng Star City, at Star Bucks. Ibang klase kapag may kaibigan ka na Star Magic artist.

Joke. Ganda ganda mo no?

Pero thanks for sharing with us your tropa moments from the overflowing laughter and good vibes, to challenging downtimes and troubles. Masaya kami lalo na kapag nakikita kang nangingisay na katatawa. At kapag malungkot ka, pangingisayin ka pa rin namin.

Cheers to you, bi…yutipul. Keep glowing. Until you explode.

Here’s to never growing up!
-Joshua

Joks. Umoorder ng brip at deodorant,
-Gene Paulo.

PS. Sana lumakas benta mo this month. Mahal ka namin. Wag na muna mag-asawa.

Sarsois

Hey Mia.
I know I already gave you my message. But berto won’t allow me to be part of this surprise unless I make a new one. So here goes..

I never really expected you to become my friend. It just happens. All beautiful things just happen. I wouldn’t even become a part of this group if it weren’t for your sweetness and warm companionship lol. It’s like I found myself a little sister. Know that I’ll always be here for you.

I wish you the best in all things! We love you. Sana may ganito rin pag nag birthday ako. Joks.

Gerauld

Hello Mia Abelat Naalala ko nung early years natin sa college lagi tayong mag katabi sa upuan (alphabetical kasi) pero hindi mo ako pinapansin mukha kasi akong gusgusin, tapos mukha ka namang nene ( ahaha akala mo ako lang ah ahaha) nahihiya rin ako kausapan ka kasi mukha kang masungit nung una tska maarte (naks mukhang anak mayaman, maganda kutis hindi naarawan) at mukha ka ring lampa kaya mukhang hindi tayo mag kakasundo ( hindi joke lang). Hindi ko talaga inakala na magiging mag kaibigan tayo ( ahaha no choice ka eh kami lang nila boni at berto kilala mo sa section 3-3) and the rest is history na. Nakakamiss ka rin pala, nakakamiss ka asarin at biruin at syempre yung sakit ng katawan (kurot, hampas , sapok, palo, subunot, ahaha hindi ko maalala kung sinabunutan mo ako). Wish you all the best and good luck sa future, always stay safe, honest, cute and beautiful, nandito lang kaming PATOOTIES (remember sayo pinangalan yung patooties)
sarah
(remember sa inyo ni Sarah ko pinangalan yung patooties) God bless you Mia! HAPPY BIRTHDAY NGA PALA! (AHAHA)

Advertisements
This entry was posted in Journal and tagged , , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s