Bagyong Odette Rants

Wala tong kinalaman sa bagyong Odette o sa officemate kong si Odet. Feeling ko lang that’s the title kasi nandyan yung bagyo ngayon, at isa sa dahilan ng pagka-hassle ng buhay ko simula kahapon. Nagugutom na ako. Nag-brunch lang ako sa office ng longganisa at fried rice na P12.00. Akala ko sapat na yung dalawang puto na kinain ko bago sumakay ng jeep. Ayoko na sanang gumastos, nagtitipid kasi ako. Nagtitipid kami ni Gene (kahit payday lang kahapon).

Tulad ng dating gawi, pour down lang ng thoughts para kumalma utak. Dito na lang ako magsusulat sa blog ko, kesa sa journal ko. Nakakatakot kasi na baka may magbasa, kung anu-ano  pa naman pinagsasasabi ko. Na-binggo na ako dati nila mama sa ganito, kahit alam ko naman na it’s my right. Pero balak kong i-publish yung mga ganito ko, as long as di naman kelangan ng censorship.

Things in my mind (that I have to get over):

1. Yung tingin ni sir Raffy sakin kapag nagpapaalam ako na aalis na kami for review. I don’t know if he’s trying to impose something, or ganun lang talaga sya tumingin and it’s just me. Parang “Alis ka na naman, wala ka namang natatapos.” Parang gusto kong sagutin ng, “Sorry na sir! Kelangan ko na umalis e, anong magagawa ko.”

2. Nagugutom na talaga ako right at this moment. Feeling ko kung anu-ano masasabi ko.

3. May pagka-perfectionist ako kaya kahit maliliit na bigay di ko basta mapalagpas. Like yung maiinis ako kapag wala akong barya. Nung Thursday, kinailangan ko pa bumili sa 7Eleven ng almusal para lang mabaryahan yung pera ko, e nagtitipid nga ako. San ba ako pwede magpapalit lagi? Every withdraw ko ba sa atm kakailanganin ko mag-7Eleven o bumili ng items na di ko naman kailangan? Isip ako ng siste.

4. Ang malas ko kahapon, Friday the 13th. Ang mahal ng nabili kong breakfast, P60. Samantalang nabubusog naman na ako sa P35 (Oa ko noh?) Di kasi muna ako nagtanong. P15 na fried rice, ang konti-konti! Ano bang hinahalo nyo dun, tira-tira na nga lang yun e. Tapos P45 na giniling (ang mahal naman, pwede bang P40 na lang?)

Yung pamasahe ko sa ordinary bus pa-JPT, P10 lang naging P20 kasi wala pa daw barya si kuya. Hanggang sa nakababa na ako, nawala na sa isip ko. Sana pinang-taxi ko na lang yun (wow).

Yung sinakyan kong fx pauwi, hanggang Merville lang pala. Akala ko hanggang Bicutan (sinong tanga?), P50 din yun. Nag-fx ako kasi alam kong pahirapan na naman sumakay sa Pasay. Umuulan, payday, Friday. Jusko, aabutin ako ng alas dose dun. Pero ayun nga, mali yung sinakyan ko. Na-stuck pa tuloy ako sa delubyong traffic sa Kanan. Antok na antok at gutom na gutom na ako sa oras na yun, kaya nilakad ko na lang. Carry lang naman.

5. Yung increase ko hr, nasan na. Anong petsa na. Siguraduhin nyong mere-retro yun, kung di…iiyak ako. Char. May mga napansin rin ako kanina sa dtr na mga araw na parang di bayad. Tagal-tagal ko na sa kumpanya, di ko pa din fully gets siste ng dtr. Tho ine-explain naman nila kapag nagtatanong ako, hindi pa din e. May mga di tumutugma sa sinasabi bila. Anyways, pag-aralan ko na lang ulit.

At ayan, nagluto si mama ng spaghetti just now! Kainan naaa!

Felbs

Advertisements
This entry was posted in Journal and tagged , , , , . Bookmark the permalink.